Umagang-umaga, sinuot ko agad pagpasok sa service. Akala ko pupunahin ako ng mga tao. Akala ko lang pala 'yun. Maya-maya, tinamaan na ako ng pukangalangalang antok matapos ang ilang kilometro ng paglalakbay. Tinanggal ko ang aking salamin, tiniklop ,isinilid sa mala-optical illusion kong case, nagnilay kung may bigote si Erap at maya-maya'y nagising na lang ako ng sigaw ni Mr. Chan, "Hoy Jairus, gumising ka na kung ayaw mong gisingin kita riyan, nasa Ateneo na tayo." Palakad na ako papuntang classroom at inilapag ko ang bag ko sa mga benches. Inisip ko kung isusuot ko ba ang salamin ko o hindi. Parang may biglang lumabas na sungay na nagsasalita sa ulo at isang halo na nagsasalita rin. Sabi ng sungay, "Isuot mo na!" samantalang ang halo naman, "'Wag mo isuot, maawa ka sa iyong sarili!" Pero dahil mabait ako, 'di ko na muna sinuot.
Isinuot ko naman pagdating sa classroom at lumipas ang dalawang periods nang nagmumukha akong genius. Recess na at may practice kami sa MST Lobby. Sa mga panahong ito ng taon mo makikita ang buong Ateneong naghahanda para sa isang patimpalak --- Ang PALIG. Ang Tagisang Pinakahihintay. (Nais ko lang ding malaman ninyong binayaran ako ng Filipino Deparment sa pag-plug niyan sa blog ko.)
Sa maghapong ito, na-realize ko ang hirap sa pagsasalamin. Rephrase natin: ang hirap sa pagiging maarte sa pagsasalamin. Noong nakaraang linggo, sinukatan ako ng salamin at namili ako ng frame. Kasalanan ko kung bakit may kakapalan siya, dahil nga nag-inarte ako sa pagpili. Mas nakakairita pala ang makapal na frame kaysa sa manipis. 'Pag pinawisan ka kasi, parang binabagyo ni Ondoy 'yung gilid ng ulo mo. Kundi mo naman pupunasan at aalisin maya't maya, baka may tumubo nang ecosystem do'n.
Bago ako umupo rito nang naka-uniform pa at nakasalamin pa rin, kakapanood ko lang ng commercial ni Erap. Magbabalik na raw siya. Mabuti na lang at hindi "Muling magbabalik" dahil mayayamot ako lalo. Kasi kung muling magbabalik, ibig ba no'ng sabihing tatlong beses na siyang bumalik? Balik kay Erap....skhgjknlslkbkjgkllh(magical sound dapat 'yun). Tandan-tanda ko pa dati, inis na inis ako nang ma-impeach si Erap. Hindi ako naiinis dahil supporter ako ni Erap at anti-Gloria ako. Nainis ako noon dahil avid fan ako ng Dragonball Z na pinapalabas tuwing hapon. Tuwing hapon, tuwing hapon. At nang ma-impeach si Erap, 'di na ako makapanood ng Dragonball dahil tinapalan ng GMA ang paborito kong plabas. Kulang na lang e magpunta ako ng Senate at magprotesta sa pagkahaba-haba ng impeachment trial nila. At malaman-laman ko lang na nauwi 'to lahat sa wala dahil sa EDSA II. So nauwi lang pala sa wala ang pagkawala ng Dragonball nang ilang araw?!?!?!?! *may susunod pa sana kaya lang nasuntok ko na ang screen namin sa galit*
