Lahat, sira. Sira halos ang buong araw ko. Sira ang kompyuter; ang TV sa baba; sira ang pinto ng kwarto ko; pati yata ulo ko, masisira na. Hep, isa pa palang sira: ang minamahal kong tiyan. Ano pa kaya'ng puwedeng masira? Bag ko? Bolpen ko? Lamesa ko? Paa? Tuhod? Balikat, ulo? Because clean little hands are good to see?
Simula ng araw ko sa madilim na campus ng Ateneo De Manila. Dumaan ang isang kaibigan mula sa 4N para kunu 'yung files sa Serye. Kagigising ko lang no'n. Nakatayo pa...ang buhok ko(parati naman e). hindi pa rin ako naaalimpungatan mula sa isang oras ng pakakayukakok sa aking butihing lamesa. Imbes na ang files ng Serye ang maibigay ko, isang "mamayang recess na lang" ang naitugon ko. Mamaya...mamayang...Recess?
Nag-bell na. Recess na. Lumapit agad si Zone R, "Kain tayo" sa napakakaibig-ibig niyang magaralgal na boses.At itinugon ko ang pinakamasklap na puwede kong itugon, "'Di ako kakain, magpapa-print ako." Parang Andres Bonifaciong nabuhay ang enzymes ko sa bituka sa pagsambit kong 'di ako kakain. Dumiretso na'kong caf, nagpa-print kasama sina RT Stain at Ojee NL, at nag-CR sa newly-renovatred washroom ng caf, at nagpuntang 4N, at dumiretsong Acer lab(aka non-Mac lab). Sandali, nauhaw ako bigla, punta ako ngayong Kiosk sa may 1st YEar Wing. "Miss, C2 po, Apple." Iced tea para sa bakanteng bituka, ang galing ko talaga! NAgmistulang El Fili at Noling bumuihay sa mga damdamin ng ezymes ang C2. The best! Panibagong round na naman ng rebolusyon.
Nag-bell ulit...3rd peariod...4th period...5th period...at TING! LUNCH NA! Kumaripas kami ni JE More sa Sat Caf at sinugod ko ang Sinangag Ezpress. Wala talagang tatalo sa sarap ng tapa, hotdog at tortang itlog sa sinangag! Sa sarap nito, parang nawalan ng ganang mag-alsa ang enzymes sa tiyan ko. Masarap ang feeling. Pero umatake ang katakawan ko kaya bumili pa ako ng spaghetting namumutiktik sa keso sa Pizza Pedrico's. Minsan ko na ring pinagtakhan kung kailan pa naging pizza ang pasta. 'Di ko alam kung gusto lang nilang palakihin ang kita nila o talagang product na ng pizza ang pasta. Masarap naman ang spagheti...puno nga ng keso. Keso? KESO?! Muling nag-alburuto ang tiyan ko at ngayon, galit na ang enzymes. Anytime, babagsak na ang Espanya! May cleaning pa man din kami sa Org.
Hiniling ko nang huminto ang oras ngunit makulit ang bell. Org na. Isa lang ang sasakyan papuntang Marikina. Babalika na lang daw kaming Juniors, Seniors at ni Ser. Mula sa kung may pasok bukas hanggang sa kung gaano kalaki ang puwet ng baso ni Angel Locsin e napag-usapan na namin. Wala pa ring tinted van na dumarating. PAtuloy kaming nanghintay hanggang sa isang text lang ang dumating:
"Wg n kaung mgpktnga khihntay. di n kmi drtng. bwahaha.>:)"
Pag-uwi sa bahay, isang sirang kompyuter ang sumalubong sa akin. Pagbukas, kumakanta pa nga. 'Di ko lang alam kung sintunadong Lupang Hinirang o Careless Whisper ang kinakanta nito. Wala akong mapaglabasan ng loob kundi ang filler na nakita ko sa drawer ko at ang TV na ang palabas ngayon e Darna. Siguro ibinalik lang nila ang Darna dahil gusto ng taong makita si Marian Riverang halos wala nang saplot. Mas cute sana kung Rhian Ramos, Valeen Montenegro o 'di kaya e si Angel Locsin ulit ang nag-Darna. Mas cute din kung ayus-ayusin nila ang special effects nilang mukhang 1859 pa yata ginawa. At para rin hindi magmukhang talong ang dapat sana e malaking ahas.
Sandali, narito na ang rebolusyonaryong enzymes, babagsak na ang Espanya...Viva!

No comments:
Post a Comment