Brownout. Brownout. Brownout. 'Di ko talaga malaman kung bakit brownout ang tawag ng Pinoy sa kung anong tinatawagn naman ng ibang bansang blackout. Siguro ayaw lang ng Pinoy sa black. O baka naman kapag walang kuryente e brown ang nakikita ng Pinoy imbes na black. O 'di kaya dahil brown ang kulay ng balat natin kaya brownout ang tawag sa blackout ng mga bansang may kulay-itim na tao? Brownout, sa Tagalog, walang ilaw. Isa pa'to. Ilaw lang ba ang nawawla kapag brownout? O baka naman dahil madilim kaya walang ilaw? E kung madilim kaya "walang ilaw", bakit 'di na lang blackout? 'Di ba kapag binasag ko 'yung bumbilya sa kuwarto ko e wala na rin namang ilaw?
'Yan ang brownout. Definition pa lang ay napakagulo na. Lalo na siguro kung nangyari. Katulad na lang ngayon. Buong araw, walang ilaw. Buong araw, brownout. Bakit kaya brownout ang tawag ng Pinoy e samantalang...(please see paragraph above).
English class. May mock long test. Hala. hindi ako nakapag-recess agad kanina at may inabot pa'ko sa 4N na USB. Flash drive kung maarte ka. Pero USB na rin. Pero Flash Drive pa rin. Pumasok si Ser. Brownout pa rin at bigla kong na-realize ang kabutihan ng brownout. Cancelled ang anak ng tipaklong na mock long test! Pero sa likod ng umaalimpuyong kagalakan sa pag-cancel ng mock long test, isang misteryo ang bumabalot dito. Sa powerpoint kaya kami dapat mag-long test kaya hindi itinuloy nang mag-brownout? Bakit kaya brownout ang tawag ng...(please see 1st paragraph) Naghihirap na kaya ang English Department kaya wala na itong na-print na long test? O kaya't inanog ng baha ni Ondoy ang mga na-print nang long test? Abangan sa susunod na edisyon ng....SOCO! Scene of Obscene Coconut Operatives! (at nang matuloy nga ang mock long test kamakailan e nalaman kong sa powerpoint talaga ang mock long test namin)
Chem class at as usual and as expected, wala ulit nangyari. "Shot sktibit" lang daw pero umabot ng buong period: 50 mins ang short activity ni Sir. Ang lesson e periodic table of elements at ang short motivational activity ay ang pag-classify ng Yugi-Oh cards. Parang kailan lang e nakaalbum pa ang sarili kong deck ng mga cards na'to. At 'di ko akalaing makakapaglaro pa ako nito ulit --- sa Chem class pa! Iba talaga ang tama ng brownout kay sir!
Iba rin talaga ang tama ng brownout sa Pinoy. Ngunit bago ko kayo ulit dalhin sa argumento ko tungkol sa brownout, gusto ko lang malaman ninyong...*namatay ang ilaw*

No comments:
Post a Comment